IGINIIT ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na ang foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay para sa kabutihan ng ating bansa.
Sa isang panayam sa SMNI sa kanilang programang “Dito sa Bayan ni Juan,” sinabi ni Enrile na tinanggap ni Marcos Jr., ang mga imbitasyon na bumiyahe sa ibang bansa para palakasin ang alyansa at partnerships.
“Anong gusto nilang gawin ng Presidente? Uupo sa Malacañan? Hindi pupunta sa mga ibang bansa na hihingi ng tulong o kaya makipag-usap ukol sa mga problema, lalo na sa seguridad ng bansa,” ayon sa dating senate president.
“Kailangang mag-biyahe ang Presidente araw-araw kung kinakailangan. ‘Yung mga iba diyan, oo nga nandito, pero iba naman ang agenda nila. ‘Yung biyahe ng Presidente, para sa bayan ‘yun eh,” dagdag niya.
Inamin din ni Enrile na ang overseas trips ni Marcos Jr ay “wala sa kanyang kontrol.” “He has to fit his time, available time according to the schedules of the meetings of various countries where we have an interest. Kung hindi naman siya pupunta, sino ang magtatanggol sa atin doon,” sabi pa nito.
Ayon sa report ng Commission on Audit, mula sa P36.7 milyon noong 2021, umakyat sa P403 milyon ang gastos ng Office of the President sa mga foreign at local travel noong 2022 kung saan anim na buwan pa lamang sa puwesto si Marcos.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO