Pinuri ni Manila International Airport Authority (MIAA) officer-in-charge general manager Bryan Co ang isang sekyu na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil sa katapatan nito matapos magsauli ng abadonadong suitcase na may lamang mga US dollar, Philippine pesos, at gintong alahas na nagkakahalaga ng P1.9 milyon.
Ayon sa ulat, nakita ng sekyu na si Mahmud Mastul, 34, ang itim na suitcases noong Hulyo 21, habang nagro-roving sa arrival extension sa NAIA Terminal 1.
Agad niya itong ipinagbigay-alam sa MIAA-Airport Police (MIAA-APD) at Philippine National Police Aviation Security Group, bilang bahagi na rin ng Standard Operating Procedure (SOP).
Kinordonan naman ng pulisya ang nasabing area para sa explosive devices at sa tulong ng bomb-sniffing dogs at PNP Special Operations Unit (SOU) ay wala namang nakitang banta sa seguridad.
Dinala ni Mastul, kasama ang mga opisyal na pulisya at iba pang saksi ang suitcase sa “lost and found section” ng paliparan at ininspeksyon ang laman ng suitcase para sa dokumentasyon.
Matapos ang tamang pagbibilang ng cash at mga alahas agad na kinontak ang may-ari na magngangalang Miguel Carpio.
Mabilis naman itong nagbalik sa airport at kinuha ang kanyang suitcase, matapos mapatunayan kanya talaga ang suitcase.
Pitong taon nang nagtatrabaho si Mastul sa NAIA bilang sekyu at ito ang unang pagkakataon na naranasan niya ang ganitong sitwasyon kung saan sinubok ang kanyang katapatan.
“Kung hindi naman sa iyo, malaki man o maliit na bagay, kailangan mo i-surrender kasi hindi naman sa iyo ‘yung gamit na ‘yon. Hindi mo dapat pag-interesan ang hindi sa iyo. Kailangan isasauli sa tunay na may-ari ang gamit na ‘yon,” ayon kay Mastul.
“Mr. Mastul’s display of honesty by promptly reporting the incident not only sets a good example to his colleagues but also proves that our efforts to promote integrity and professionalism among airport workers is gaining ground from all levels of service.”
Masaya namang ibinahagi ni Co ang mabuting balita, kung saan sinabi niya na: “Mr. Mastul’s display of honesty by promptly reporting the incident not only sets a good example to his colleagues but also proves that our efforts to promote integrity and professionalism among airport workers is gaining ground from all levels of service.” ARSENIO TAN
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag