January 19, 2025

BISE PRESIDENTE SARA DUTERTE NAGBIGAY NG INSPIRASYON AT PAG-ASA SA MGA NAGTAPOS  SA  HIGH SCHOOL  SA QUEZON CITY AT AURORA PROVINCE

“Pinangarap ko na maging doktor, ngunit may ibang plano sa akin ang God at ang plano ng Diyos ay hindi natin maaaring baguhin o suwayin.”

Yan ang ibinahagi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte sa 661 graduates ng Ismael Mathay Sr. High School  sa Quezon City  sa kanilang 6th Commencement Exercises kung saan Guest of Honor and Speaker ang Pangalawang Pangulo.

Ang sabi ng Bise Presidente, sa halip mag-aral ng medisina ay napunta siya sa abogasiya.

Ayon pa kay VP Sara, minsan ay hindi nagkakatotoo ang ating mga pangarap ngunit  hindi aniya  dapat na panghinaan ng loob dahil marahil ay may ibang mas maganda at mas malaking plano ang Diyos para sa atin.

Payo ng Bise Presidente sa mga nagtapos  sa Ismael Mathay Sr. High School na huwag mawalan ng pag-asa at

 laging isipin na mayroong pag-asa.

Samantala, taos-pusong nagpasalamat si VP Sara sa paanyaya na maging bahagi ng 48th Commencement Exercises ng Maria Aurora National High School dito sa bayan ng Maria Aurora sa probinsya ng Aurora.

Hindi aniya naging balakid ang sama ng panahon para dumalo sa pagtatapos ng 203 estudyante ng paaralan.

Dito ay paulit-ulit na  sinabi ng Bise Presidente  sa mga graduates ang kahalagahan ng pangarap, matutupad man ito o hindi, bilang gabay sa kanila para magtagumpay sa buhay at maging produktibong mga indibiduwal na may malaking kontribusyon sa kaunlaran ng bansa.

Naniniwala aniya siya sa tibay ng loob ng mga kabataan na harapin ang mga hamon ng buhay at hindi mamamatay ang apoy sa kanilang mga puso upang manalo sa mga laban ng buhay.

Kumpiyansa ang Bise Presidente na maliwanag ang kinabukasan ng mga kabataang Filipino lalo na aniya yaong mga nagnanais na magtagumpay. “I genuinely believe that the future is bright for the Filipino youth, especially for those of you who are committed to making a difference in this world,” pagtatapos ni VP