Nais ni Pinoy boxer John Reil Casimero na makaupak sa lona sa Setyembre.
Sapol pa noong Pebrero, nagsasanay na ang binansagang ‘Quadro Alas’.
Atat na si Casimero na maidepensa ang tangang WBO bantamweight title belt.
“September na,” wika nito sa isang live post sa social media.
Nakatakda sanang lumaban si Casimero kay Naoya Inoue ng Japan.
Maghaharap sana ang dalawa sa three-belth showdown noong Abril 26 sa Mandalay Bay, Las Vegas.
Ngunit, dahil sa worldwide lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, naudlot ito.
Si Casimero ay bahagi ng MP Promotions ni Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao.
More Stories
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC
Kauna-unahang invitation golf tournament ng Pampanga Press Club, umarangkada na!
JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC