SHOOT sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isinawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong mga suspek na sina Reynaldo Acedera alyas “Kalbo”, 43 at Jenalyn Lumapac alyas “Bibeng”, 42, kapwa ng Site 8, Brgy., NBBS Dagat-Dagatan.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Umipig na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu ang mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang positibo ang report, ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Cpt. Luis Rufo Jr kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek P500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba sa Matangbaka St., Brgy, NBBS Dagatdagatan, dakong alas-3:20 ng madaling araw.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 55.27 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P374,836.00, buy bust money, sling bag, cellphone at P200 recovered money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO