LAYON ng Professional Golfers Association of the Philippines (PGAP) na mas patibayin ang ugnayan ng mga Pinoy pro golf players at tiyakin ang pagkakaroon ng sapat at regular na programa para masustinihan ang kabuhayan ng bawat miyembro.
Bilang panimula, ipinahayag ni Johnnel Bulawit, bagong halal na PGAP president, na isasagawa ng asosasyon sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay City, ang 1st Pasay Mayor ‘Emi’ Cup – isang fund-raising tournament — sa Setyembre 12-15 sa Villamor golf course sa naturang lungsod.
“Medyo mahabang panahon na hindi kami naging aktibo. But this time, with the new leadership, hopefully maibalik naming yung tiwala at respeto ng bawat miyembro at ngayon pa lang ay humihinge na kami ng suporta sa lahat lalo na sa mga miyembro na patibayin ang pagkakaisa para sa pagsulong ng PGAP,” pahayag ni Bulawit, dati ring aktibong touring pro at nahalal na PGAP president nito lamang Abril.
“Wala kaming nais sa PGAP kundi ang mapaglingkuran ang ating mga pro players. Hindi kami karibal ng anumang korporasyon or organizers dahil kailangan ng ating mga players ang mga tournament para sa kanilang career at sa kabuhayan, but this time gagawin naming mas maging aktibo ang PGAP para na rin sa kapakanan ng lahat ng miyembro at hindi ng iilan,” ayon pa kay Bulawit sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes.
Kasama niyang dumalo sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine, at Pocari Sweat sina PGAP Executive Secretary Elisa Villalba, tournament director Luigi Rubiano, tournament coordinator Luis Patraiso, consultant Darren Evangelista at Pasay City First Gentleman Edgardo ‘Egay’ Rubiano, pangulo ng Eduardo ‘Duay’ Calixto Foundation, isa sa benepisaryo ng naturang torneo.
Kabilang sa mga inaasahang sasabak sa torneo ang mga aktibong PGAP member at touring pros tulad nina
“We’re happy at napili ng PGAP ang Eduardo Calixto Foundation as one of the beneficiaries. It’s also a great opportunity for us na maging bahagi ng programa nanaglalayong mapaunlad ang golf sa bansa, habang nakapagbibigay ng tulong sa mg kababayan nating nasa laylayan,” sambit ni Rubiano, kilalang sports patron.
“Nagpapasalamat kami ang nabigyan din ng oportunidad na makapanawagan sa ating mga butihing mga kaibigan sa pulitika at sa sports na suportahan ang tournament para sa kapakanan ng ating mga pro golfers gayundin sa mahihirap nating kababayaan, “ aniya.
Ayon kay Villalba, mabibigyan ng pagkakataon ang mga pro players na may mababang rangking, gayundin ang mga seniors players na mapaunlad ang kanilang kakayahan at kasiguraduhan na may maiuuwing premyo para sa pamilya hindi man mapabilang sa final day.
“May guaranteed prize kami para sa mga maagang macu-cut at sa mga seniors players para naman meron pa rin silang maiuuwi para sa kanilang pamilya,” ayon kay Villalba.
Iginiit naman ni Luigi Rubiano na bukos sa individual play, plano nilang isabay na event ang pro-am at masters event para matulungan ang mga amateurs gayundin ang mga senior players.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag