NAGSAGAWA ng joint meeting ang mga concerned government agency para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at iba pang development project para sa Cotabato Airport.
Nakipagpulong sina Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Manuel Antonio Tamayo at Department of Transportation (DOTR) Secretary Jaime J. Bautista kina Bangsamoro Minister of Transportation and Communications Paisalin Tago, at Bangsamoro Airport Authority Dir. Roslaine Macao – Maniri.
Kabilang sa tinalakay sa nasabing pagpupulong ang nagpapatuloy na pagkukumpuni gayundin ang runway ng Cotabato Airport, upang matiyak na tuloy-tuloy ang biyahe ng mga pasahero.
Kasunod nito, magpapadala ng mga engineer on-site ang DOTr at CAAP upang tingnan kung natutupad ang plano sa ginagawang construction activities.
“The CAAP and DOTr remain dedicated to their mission of providing safe and reliable air travel services to the Filipino people. The repairs and expansion at Cotabato Airport are a part of CAAP and DOTr’s commitment to meet the highest safety standards in its airports, delivering a safe, secured, and comfortable airport experience,” CAAP spokesman Eric Apolonio. ARSENIO TAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA