November 17, 2024

Matagumpay na SLP 5th Anniversary Swimming Championship sa M’lupa

TINANGHAL na overall team champion ang Blumen Swim Team sa katatapos na 5th Anniversary Swimming Championship ng Swim League Philippines (SLP)  sa Olympic-size Muntinlupa Aquatics Center , Muntinlupa City.

Nanguna ang mga batang swimmers ng Blumen sa tatlong kategorya na A,B at C para tampukan ang torneo na nilahukan ng 56 swimming clubs-member nationwide , sa pagtataguyod ng Allied Pharmaceutical’s Symdex-D, Phillius Realty at suporta ni  SLP Chairman Emeritus, Senator Manny Pacquiao at SLP honorary president Joan Mojdeh.

Pumangalawa ang One Bulacan Swimming Federation, kasunod ang Sharpeedo Swim Team at kinumpleto ang Top 7 team ng Splahers Swim Club, Galleon Tankers Philippines, Aquathlete Swim Team, at Cavite Blue Wahoo Swimming Club.

Kabuuang 608 Swimmers ang nakiisa sa torneo kabilang ang hiwalay na kategorya para sa mga miyembro ng LGBTQ,  Masters Category at Special Category sa Para swimmers,  Indegenous People ( Badjao, Aeta at Tausug) sa initiatibo ng programang Drown Free Philippines ng SLP.

“Masayang-masaya po kami at sa nakalipas na limang taon at patuloy po ang ating programa para palakasin ang swimming sa grassroots level. Marami na rin po tayong mga batang swimmers na umangat at ngayon ay nasa Philippine team na tula dnina Jasmine Mojdeh at Heather White. Nagpapasalamat po kami sa alhat ng ating partners, sponsors at mga tumulong tulad ni PSI Secretary-General Rep. Eric Buhain,” pahayag ni SLP president Fred Atienza.

Nagong bahagi rin ng programa ang Solid Swimming Coaches Association of the Philippines (SSCAP), The Central Northern Luzon CAR Swimming Coaches Association (CNLCSCA), The Swimming Federation, Philippine Life Saving, Green Earth Movement, TVC Channel 8, Bombo Radyo, Swim Meet Results, Sports Lockdown, at philswimming.com., Neptune Actives, Decathlon, Splash and Dash, FINIS Philippines, Go Swim, Amanzi, Klean Athlete, Mad Wave Philippines, Yingfa Pilipinas, TYR Philippines, Langoy Pilipinas, Divine Works, Jamila Aerhetics, Behrouz Persian Cuisine  at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.DS