NAGPAKITANG-GILAS ang tandem nina Solomon ‘ Monchie’ Padiz,Jr. at Julius ‘July’ Villabrille ng Pilipinas matapos nilang dominahin ang prestihiyosong APACS Kazakhstan.Future Series 2023 sa Shymkent,Kazakhstan kamakailan.
Dinaig sa straight set ng ating pambatong national badminton players ang top brass Indian tandem,21-13 at 21-8 upang iuwi ang gold medal ng torneong nilahukan ng mga pinakamagagaling na shuttlers sa kontinente.
Ang tagumpay nina Onchie at July ay nagsilbing pam bawi sa podium finish sana ng mag-partner kundi sa mga kwestiyonableng tawag ng mga umpires sa pumabor sa kanilang karibal na Asean sa SEAGames Cambodia.
“Thank you for this great opportunity to PBAD Smash Pilipinas with the President and Boss ‘MVP’Manny V.Pangilinan and also with the guidance and assistance of the PBAD Smash Pilipinas National Coaches,” pahayag ni Monchie- anak ni sports enthusiast/academician Solomon Padiz.
Pinasalamatan din ng batang Padiz ang todo suporta ng City Mayor at bise ng Santa Rosa na sina Hon. Arlene at Hon.Arnold Arcillas thru Office of Sports Director Roy Lazaga.
Very supportive din sa kampanya nina Monchie at July sina Col.Antonio Fernando,Dra Ofelia Baque,Engr.Antonio Cesar Fernando,Ms Melissa Fernando at Michico Licuanan.
Ang tagumpay ng Padiz-Villabrille ay tunay na Asian level at way to the super badminton series na pang mundial na ang direksiyon.
“Dati- rati ay di makapamayagpag ang larangan ng badminton natin sa international na hatawan pero ngayong henerasyon nina Monchie at nationals men and women at malayo ang mararating ng ating mga pambatong shuttlers,” wika ng isang badminton kibitzer. Si Monchie ay apo ng dakilang alamat at ama ng larangan ng sepak takraw na si Servillano Padiz.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA