NASABAT ng pulisya sa isang estudyante na itinuturing bilang high value individual (HVI) ang nasa P76,800 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng sa Valenzuela City, Sabado ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek na si Humpbrey De Vera, 20, grade 11 student ng 4510 E. Santolan Road, Brgy. Gen T De Leon.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-2:10 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Cpt Joel Madregalejo ang suspek sa Santolan Service Road, Brgy. Gen T De Leon matapos bintahan ng P300 halaga ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 640 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price value na P76,800.00, buy bust money P150 recovered money.
Ani Cpt. Madregalejo, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng illegal na droga kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.
Ayon kay PSSg Carlos Erasquin Jr, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO