Naglatag ng checkpoint ang Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa Navotas City bilang bahagi ng 14 na araw ng lockdown sa siyudad gaya ng utos ni Navotas Mayor Toby Tiangco. Ikinalat din ang mga pulis sa Navotas at kalapit na siyudad nito sa Malabon upang makatulong na mapanatili ang health protocols. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
INIHAYAG ni Mayor Toby Tiangco na 83 pasyente ang gumaling sa COVID-19 sa Navotas City, noong July 18.
Dahil dito, nagpasalamat si Tiangco sa lahat ng mga frontliners at iba pang kawani na patuloy na nag-aalaga sa mga pasyente at nagsiserbisyo sa kabila ng panganib na kanilang sinusuong.
Sa kabilang banda, dalawa ang namatay sa naturang sakit at 28 ang nagpositibo.
“Sa mga testimonial na nababasa o napapanood natin sa social media, iisa ang kanilang sinasabi napakahirap pong magkasakit at mawalay nang matagal sa pamilya. Kaya sana, iwasan po natin ang diskriminasyon sa ating mga kapwa Navoteño na nagkaroon ng COVID-19. Mahirap na ang kanilang pinagdaanan. Wag na po natin itong dagdagan,” pakiusap ni Tiangco.
Aniya, ngayong araw ng Linggo, Hulyo 19, ay disinfection day at lilinisin at idi-disinfect ang mga palengke at iba pang lugar, kaya’t pinaaalalahanan ang lahat na walang dapat lumabas kung hindi naman trabaho ang pupuntahan o may emergency.
Nagsagawa ng misting operation ang Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) sa kahabahaan ng Gov. Pascual Street sa Navotas City ngayong araw habang nasa ilalim ng 14-day lockdown ang nasabing lungsod alinsunod sa kautusan ni Navotas Mayor Toby Tiangco, na sinimulan noong Hulyo 16 at matatapos sa Hulyo 29 dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa naturang siyudad. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
Hinikayat rin ng alkalde ang nasasakupan na manatili na lang sa bahay at gamitin ang panahong ito para makipag-bonding sa pamilya.
Sinabi pa niya na susunod na mga araw, magsasagawa ng random testing sa mamamayan na bahagi aniya ng kanilang hakbangin habang nasa lockdown.
Samantala, ngayong July 19, alas-10:00 ng umaga, umabot na sa 1,932 na lumabag sa ipinapatupad na lockdown sa lungsod ang nadakip, 1,830 ang adults habang 102 naman ang mga menor-de-edad.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE