NAGPASIKLAB si wushu star Agatha Wong ng gold medal performance upang madagdagan ang gintong ani ng Pilipinas sa papatapos nang 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Phnom Penh.
Si Wong na binabalanse ang kanyang pagaaral at training ang nagreyna sa pinagsamang taijicuan at taijijian sa kabuuang 19.263 points sapat na para sa kanyang ika- limang SEAgames gold.
“I didn’t expect to win because I’m also a med student.I’m on my first year of medicine”, wika ni Wong.
Kasunod nito ang pagkopo ng ginto sa taekwondo nina Aidaine Laxa,Joel Ninobla at Nicole Labayne sa women’s poomsae event para sa unang ginto sa taekwondo na sinundan pa ng ginto sa men’s poomsae ni Patrick King Perez.
Nakahabol pa ng gintong medalya ang men’s 4×400 m relay team.
Sa kabuuan ,ang Team Philippines na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee ay umabot na sa 31 golds upang manatiling buhay ang misyong top 5 overall.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag