December 26, 2024

Viral traffic enforcer, pinuri ng Navotas LGU

PINURI at binigyan ng P10,000 incentive ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang traffic enforcer na si Mark Ferdinand Luzuriaga. Nag-viral sa social media si Luzuriaga matapos umanong sapakin at sakalin ng isang pulis-Maynila na tumangging magpahuli dahil sa pagmamaneho ng tricycle na walang prangkisa. (JUVY LUCERO)