
NADAGDAGAN pa nang mahigit 2,300 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Sabado ng hapon (July 18), umabot na sa 65,304 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 41,464 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,357 na bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 113 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 1,773 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 321 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 22,067 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE