November 23, 2024

ANTI-TERROR ACT, MAKABUBUTI NGA BA SA MGA PILIPINO?

Opisyal nang magiging epektibo ngayong araw ang Anti-Terror Act 2020, mga Cabalen.

Ang nasabing batas o Republic Act 11749 na paigtingin ang 2007 Human Security Act upang puspusang ipatupad ang kampanya laban sa terorismo.

Gayundin ang pagpigil sa anumang aktibidad na may kinalaman at sangkot dito katulad ng abduction, kidnapping at bombing operations.

 Sa kabila nito, siyam na petisyon ang isinampa sa Supreme Court upang pigilan ang nasabing batas.

Ang magandang programa ng ating pamahalaan laban sa terorismo ay nakalulungkot na pinanghihiumasukan ng ibang bansa.

Partikular na mga Cabalen ang mga solon sa Estados Unidos. Teka, ano bang pakialam nila sa ating panloob na sistema?

Gayunman, tiniyak ng Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa mga lawmakers ni Uncle Sam na hindi maabuso ang Anti-Terror Act ang human rights sa bansa.

Nilinaw din ni Romualdez na nakasaad sa batas na hindi kabilang sa ituturing na act of terrorism ang freedom of expression, mass actions, kilos protesta at iba pa.

Aniya, layun ng batas na proteksyunan ang human, civil at political rights.

Titiyakin din na hindi maabuso ng otoridad ang nasabing batas. Ito rin ang iginiit ni Senador Panfilo Lacson na siyang awtor ng batas.

Ngayon mga Cabalen, kanino ba tayo makikinig? Sa mga taong ayaw ng kapanatagan o at katahimikan? Sa mga taong walang hurisdiksyon sa ating sistema gaya ngmga solons ng Estados Unidos?

Ika nga ng iba nating mga kababayan, bago nila tingnan ang puwing ng iba, tingnan muna nila ang torso na nasa kanilang mata.

Maraming kaso ng paglabag ng human rights sa U.S. Gayundin ng racial discrimination.

Kagaya na lamang ng ginawa ng otoridad sa Black-American na si Floyd George. Talamak din ang mass shooting sa kanila. Anong karapatan nilang mamuna?

Kung gusto nating masigurong ligtas tayo sa bawat sandali, lalo na ang ating mga mahal sa buhay, hindi ka tututol sa Anti-Terror Act.

Kung hindi ka terorista, bakit ka mangangamba, di po ba?

Alam naman natin na ang mayorya sa ating mga kababayan ay sangayon sa nasabing batas. Alam nilang makabubuti ito sa sambayanan.