ARESTADO ang dalawang drug pusher na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Calocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na sina Frederick De Guzman, 45 ng 22 D Cotabato, Intan St, Brgy. 153, at John Kevin Periano, 28 ng 27 Macaneneng St., Brgy. 155, kapwa ng Bagong Barrio.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng tawag sa telepono ang Sub-Station 5 ng Caloocan police mula sa isang concerned citizen at inireport ang hinggil sa nagaganap na illegal drug trade ng dalawang lalaki sa Intan St, Brgy. 153 kaya agad nagpunta sa lugar ang mga pulis.
Pagdating sa nasabing lugar dakong ala-1:42 ng madaling araw, nakita ng mga pulis ang dalawang indibidwal na kahalintulad sa deskripsyon ng caller na nagta-transaksyon ng illegal na droga kaya nilapitan nila ang mga ito.
Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang presensya ng mga pulis ay mabilis silang nagtakbuhan para tumakas sa kabila ng utos sa kanila na huminto kaya hinabol sila ng mga parak hanggang sa makorner at maaresto.=
Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang dalawang paper bag na naglalaman ng humigi’t kumulang 2 kilogram ng hihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops na may standard drug price value ng Php 240,000.00.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?