HINATULUAN ng Navotas Regional Trial Court (RTC) ang dating pulis sa pagpatay sa dalawang kabataan anim na taon na ang nakalilipas.
Napatunayang guilty si Jeffrey Sumbo Perez sa pagkamatay nina Carl Angelo Arnaiz, 19 at Reynaldo “Kulot” de Guzman, 14, matapos dukutin malapit sa kanilang mga tahanan sa bayan ng Cainta, Rizal noong Agosto 2017.
Hinatulan siya ng reclusion perpetua (pagkakakulong ng 40 taon) na walang “eligibility for parole.”
Ang isa pang pulis na si Ricky Arquilita, 33, ay namatay noong Abril 2019 dahil sa sakit sa atay.
Inamin ng dalawang pulis na namatay ang mga biktima sa isang engkwentro matapos mangholdap ng isang taxi sa C-3 Road sa boundary ng Caloocan at Navotas.
Gayunpaman, sa salaysay ng testigong si Arnold Perlada, sinabi nito kasama niya ang dalawang biktima sa isang birthday party nang dukutin sila nina Perez at Arquilita.
Natagpuan ang mga labi ni De Guzman sa isang creek sa Gapan City, Nueva Ecija halos isang buwan matapos silang mawala.
Noong Nobyembre 2022, napatunayan na guilty si Perez dahil sa paglabag sa Anti-Torture Act at pagtatanim ng ebidensiya sa ilalim ng Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugst Act at sa ilalim ng Section 38 ng Comprehensive Firearms and Ammuniation Regulation Act.
Pinatawan siya ng dalawang termino ng habambuhay na pagkakabilanggo at absolute perpetual disqualification from and public office at reclusion perpetua.
Inatasan din si Perez na magbayad ng P2 milyon para sa bawat naulilang pamilya, kalahati nito para sa moral damages at ang kalahati ay para sa exemplary damages.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON