
SWAK sa selda ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga sumitang pulis dahil sa pagsisigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Mark David Rapal, 21 ng Pamasawata St., Barangay 28.
Ayon kay Col. Lacuesta, habang nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Taksay St., Brgy. 28 ang mga tauhan ng Sub-Station 1 ng Caloocan CPS sa pangunguna ni PSMS Ricardo Genuino nang sitahin nila ang suspek dahil naninigarilyo sa pampublikong lugar dakong alas-8:41 ng gabi.
Nang lapitan siya ng mga pulis ay bigla na lamang kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin ng mga parak hanggang sa makorner at maaresto.
Nang kapkapan, nakumpiska kay Rapal ang isang Magnum 357 na kargado ng tatlong bala na naging dahilan upang mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions).
More Stories
Mahigit 57,000, Pinayagang Makaboto sa Local Absentee Voting — Comelec
POPE FRANCIS, PUMANAW NA SA EDAD NA 88
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO