
ISINELDA ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa kasong carnapping matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Malabon City Police sa pamumuno ni P/Col. Amante Daro sa kanilang pagsisikap kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip kay Marvin Antonio, 38 ng No. 149 B. Halcon St., Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City.
Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon CPS na madalas umanong makita ang presensiya ng akusado sa Brgy, Catmon.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PEMS Marlon Garcia ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Antonio sa Sanciangco St. Barangay Catmon, dakong alas-11:30 ng umaga.
Si Antonio ay dinakip ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 291, Malabon City noong August 25, 2022, para sa paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883).
More Stories
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO
IMEE SA LUMABAS NA LARAWAN: ‘WALANG PERSONAL NA KONEK!’
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON