Swak sa kulungan ang isang estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek bilang si Jake Portugana, 20, grade 11, Street Level Indivedual (SLI), at resident ng Pearl island, Brgy., Lawang Bato.
Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Santolan Footbridge, Service Road, Brgy., Gen T De Leon kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 marked money.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad lumapit ang back-up na operatiba at inaresto siya.
Nakumpiska sa suspek ang apat heat sealed transparent plastic sachet kabilang ang (object of sale) na naglalaman ng humigi’t kumulang 20 grams na may Standard Drug Price Php136,000.00, buy bust money na isang P500 bill at 23 pirasong P500 boodle money, P400 seized money, cellphone, coin pouch at isang motorsiklo.
Ani PCpl Christopher Quiao, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!