Hindi man nakadalo, ipinaabot ni Pangulong Marcos Jr., ang kanyang pagkilala at papuri sa mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs.
Si Finance Sec. Benjamin Diokno ang dumalo para kay Pangulong Marcos Jr., sa pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng kawanihan.
Partikular na binanggit ni Pangulong Marcos Jr., ang higit P862 bilyon na nakolekta ng BOC noong 2022, na 34 porsiyentong mas mataas sa koleksyon noong 2021.
“In fact, I note that all your collection districts have surpassed their individual revenue targets in 2022, which enabled the Bureau to exceed your annual target for the year,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo.
Ang koleksyon noong nakaraang taon ng BOC ang pinakamataas sa kasaysayan ng kawanihan.
Pinuri din ni Pangulong Marcos ang anti-smuggling campaign ng BOC na nagresulta sa pagkakahuli ng 729 na may kabuuang halaga na P24 bilyon.
“I am thus very pleased as we recognize these and all the other achievements of the Bureau of Customs,” sabi pa ni Pangulong Marcos Jr.
Sa bahagi naman ng Customs Bureau, sinabi ni Comm. Yogi Ruiz na minamadali na ang kanilang digitalization program para sa maayos na pagbibigay serbisyo at mas mataas na koleksyon.
More Stories
Agila ng Bayan, Pinagkakatiwalaang Pahayagan ng mga Mag-aaral
Halos P.2M shabu, nasamsam sa 4 drug suspects
Tiangco lumagda sa MOA para sa scholarship program