NAHARANG ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at partner agencies ang tatlong pacels ng illegal na droga sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pair Cargo at DHL Warehouse sa Pasay City.
Itinurnover ng mga awtoridad ang nasamsam na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa proper disposition.
Naberepika sa physical examination ng mga parcel ang presensiya ng anim na plastic pouches ng candies at isang vape cartridge na may lamang THC (tetrahydrocannabinol), 1.020 kg ng ecstasy, at 106.46 gm ng shabu na may halagang P2.476 milyon.
Nanggaling ang mga parcel sa mga bansang United States, France at Pakistan. Ipinadala nila ito sa mga consignee sa Negros Occidental, Makati City at Camarines Sur.
Agad nagsagawa ng imbestigasyon upang maaresto ang nasa likod ng kalakaran ng ilegal na droga para sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Nangako ang BOC-NAIA, sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan, na patuloy nilang babantayan ang border ng bansa laban sa pagpasok ng illegal na bagay.
Manantiling maingat ang Port at palakasin ang pakikipagtulungan sa partner agencies upang maiwasan ang smuggling, alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz at utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?