Nangako ang Department of Budget and Management (DBM) na magbibigay ng kaukulang suporta sa nine-man Marawi Compensation Board (MCB) upang tiyaking puspusan ang proseso para makuha ng mga biktima ng Marawi Siege noong 2017 ang kaukulang kompensasyon ng gobyerno.
Isinagawa ni Budger Secretary Amenah Pangandaman ang pangako nang makadaupang palad niya nitong Biyernes si MCB chairperson Maisarah Dandamun-Latiph sa DBM office sa Maynila.
Ang agenda ng nasabing pagpupulong ay para talakayin ang budget, pondohan ang sources at ang implementasyon ng rules and regulations ng Republic Act (RA) 11696 o Marawi Siege Victims Compensation Act, ayon sa DBM sa isang pahayag na ipinoste sa kanilang official Facebook page.
Nangako rin ang DBM na kanilang buong susuportahan ang rehabilitasyon at muling pagbangon ng Marawi City, dagdag niya.
“The rehabilitation and recovery of Marawi City is a project that is close to my heart as a fellow Maranaoan,” ayon sa Budget chief.
More Stories
Agila ng Bayan, Pinagkakatiwalaang Pahayagan ng mga Mag-aaral
Halos P.2M shabu, nasamsam sa 4 drug suspects
Tiangco lumagda sa MOA para sa scholarship program