December 26, 2024

SMC INAASAHANG MATATANGGAL 1-M TONELADA NG SILT SA PASIG RIVER NGAYONG PEBRERO

Inaasahan ng San Miguel Corporation na maalis ang isang milyong metric tons ang silty sand at solid waste sa Pasig River sa buwan ng Pebrero hababang nagpapatuloy ang cleanup efforts nito.

Sa inilabas nakalatas, sinabi ni SMC President and CEO Ramon Ang na ang target na isang milyong metrikong tonelada sa Pebrero ay makakamit lamang 20 buwan pagkatapos ilunsad ang inisyatiba noong Hulyo 2021, sa suporta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga local government units.

Ayon sa SMC, sa ngayon ay nakahakot ang kanilang cleanup teams ng 927,198 metric tons ng silt at waste sa Pasig River, na may buwanang target na ngayon ay higit sa 70,000 tonelada.

Bukod sa maayos na flood carrying capasity, ang pagkakatanggal sa silt at waste ay nangangahulugan din ng pinabuting kaligtasan para sa mga ferries at iba pang vessel na dumaraan sa ilog.

Sinabi rin ni Ang na ang bilis ng mga aktibidad sa paglilinis nito sa Pasig River ay mas mabilis kumpara sa naunang proyekto nito na linisin ang Tullahan River, dahil sa deployment nito ng mas maraming heavy equipment at tauhan.

Ang ₱1-bilyong Tullahan River cleanup project ay nag-alis ng kabuuang 1.12 milyong tonelada ng basura noong 2022 – dalawang taon matapos itong magsimula.

“Compared to our earlier Tullahan River cleanup, the positive impacts of our Pasig River effort will be felt in even more areas. It will benefit not just people from Metro Manila, but also many who are living in Rizal, all the way to Laguna de Bay,” wika ni Ang.