December 21, 2024

MGA FACULTY SA UNIVERSIDAD, DAPAT MATAAS ANG KALIDAD NG EDUKASYON

KINAKAILANG nagtataglay ng mataas na kalidad ng edukasyon ang mga nagtuturo sa kolehiyo o pamantasan.

Bukod sa pagkakaroon ng master’s degree, dapat nagtataglay din ng doctor’s degree o PhD ang isang miyembro ng faculty.

Sinabi ito  ni Councilor Corrie Raymundo, chairman ng Committee on Education ng Pasig City Council, na nagpahayag ng suporta ng konseho sa pagpapataas pa ng kalidad ng edukasyon ng mga faculty ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig o PLP.

Kaugnay nito, hinihikayat ng konsehal ang mga nagtuturo sa naturang pamantasan na mayroon ng master’s degree na mag-doctorate para sa pinakamataas na lebel ng edukasyon.

Wala anjyang dapat ipag-alala ang mga mag-e-enrol sa graduate school dahil pagkakalooban sila ng study leave (konting units lamang sa pagtuturo), pagdating sa dissertation ay libre  na sila sa pagtuturo ng  isang semester.

Bukod pa rito, magbibigay din ang city government ng ₱100,000 financial assistance o scholarship, habang tuluy-tuloy pa rin ang kanilang mga suweldo.

Kapalit aniya nito ay ang kanilang serbisyo sa pamantasan na pagtuturo ng dalawang taon.