Pinangalanan na ng pulisya nitong Miyerkules, Enero 25 ang mastermind sa pagpatay sa negosyante na si Yvonette Plaza noong Disyembre 2022.
Sa isinagawang press conference ng Special Investigation Task Force Plaza sa Davao City, tinukoy ang mastermind sa pagpatay na si Brigadier General Jesus Durante III kasama ang anim iba pang sundalo na mga suspek sa pagpatay.
Ayon kay Region XI police chief Police Brigadier General Benjamin Silo, ang pagpatay ay maituturing na “crime of passion.”
Sa kasalukuyan ay wala pang tugon ang mga pinangalanang sangkot.
Sinabi naman ni Philippine Army chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. na si Durante, na dati ring namuno sa Presidential Security Group (PCG), ay inalis muna bilang commander ng 1001st Brigade habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
“The Philippine Army will not condone any criminal act committed by its personnel,” ani Brawner.
“As such, BGen Jesus Durante has been relieved as Commander of the 1001st Brigade, after being named as a person of interest in the murder of Yvonnette Chua Plaza, to give way to an impartial and thorough investigation,” dagdag pa niya.
“The Army ensures the public that this incident is not service related.”
Nauna nang itinanggi ni Durante ang kaugnayan sa pagpatay kay Plaza at sinabing nadamay lamang ang pangalan niya dahil sa Facebook post na ginawa ni Plaza noong Abril 2022.
“Yvonne was a friend. My name is being dragged based on an FB post made last April 2022 wherein I allegedly hurt her. She later retracted the post and issued a statement that I did not in any way harm her,” ani Durante.
“I am deeply saddened by her demise and condole with her family and friends. I, myself, demand justice for Yvonne,” dagdag pa nito.
Noong Disyembre 28, 2022, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Plaza sa labas mismo ng bahay ng biktima.
Sa screenshot naman sa kuha ng CCTV, makikita na pinaputukan ng isa sa mga suspek ang biktima bago sumakay sa gateway motorcycle kasama ang drayber.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI