
NADAKIP ng Manila Police District-Station 3 ang isang lalaki na wanted sa pagpatay sa Dasmariñas, Cavite matapos isagawa ang operasyon kamakalawa sa Sta. Cruz, Manila.
Hawak na na ngayon ni Station Commander P/Lt. Col. John Guiagui si Jomar Magalas, na nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Cavite court kaugnay sa pagpatay sa isang Charles Lagradilla noong 2017.
Ayon kay Col. Guiagui, sinalakay ang pinagtataguan ni Magalas matapos makatanggap ng tip ang kanyang opisina dahilan para maaresto ang suspek dakong alas-8:00 ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.
Inamin naman ng suspek na nagkaroon sila ng pagtatalo ng biktima kaya nagawa niyang barilin ang huli na sinasabing dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang lugar. Nahaharap sa kasong murder ang suspek.
More Stories
10-TAONG GULANG NA BATA, PATAY SA TULI
‘SCAM HUB’ SA CEBU, NABUKING SA VIRAL VIDEO
P20/KILO BIGAS, PALAWAKIN NA? 60 MILYONG PINOY POSIBLENG MAKINABANG – DA