KAPIT-BISIG sina Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino at bagong nombrang pinuno ng Philippine Sports Commission na si Chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann para sa iisang ‘mission possible’ -ang matagumpay at mabungang kampanya ng ating atletang Pilipino na sasabak sa Paris Olympics France 2024.
Nagkadaupang-palad ang dalawang sports leader ng bansa nitong weekend sa Conrad Hotel, Pasay City kung saan ay nailatag ang mga mahalagang detalye para sa iisang layuning karangalan sa larangan ng palakasan para sa bayan.
Ang POC ang siyang may timon sa mga sasalaing pinakamagagaling na atleta ng bansa upang mag- qualify hanggang lumaban sa Olimpiyada katuwang ang NSA’s habang ang PSC ang siyang kakalinga sa mga pangangailangan ng pambansang atleta at coaches magmula sa preparasyon hanggang aktwal na kumpetisyon ng Team Philippines.
Ang uniteam nina Tolentino at Bachmann ay di lamang sa Olympics’ 24 ang pokus kundi maging sa mga papalapit na kaganapang pang- international na 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023. Asian Indoor Games, Asian Games at FIBA World Cup kung saan ay isa sa tatlong Asian host nation ang Pilipinas bukod sa Indonesia at Japan.
Ang Pilipinas ay umani ng kauna-unahang gintong medalya sa kasaysayan nitong nakaraang Tokyo Olympics sa kabayanihan ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz, dalawang silver at isang bronze kortesiya ng tatlong Pinoy boxers na sina Nesty Petecio ,Carlo Paalam at Eumir Marcial sa timon na ni POC pres. Tolentino – kasalukuyang pinuno ng Phil Cycling at alkalde ng Tagaytay City.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI