UMABOT sa labintatlong indibidwal ang napaulat na nasugatan dahil sa paputok noong pagsalubong ng Bagong Taon sa Navotas City.
Sa report ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, noong alas-8:00 ng umaga ng January 1, 2023, 13 indibidwal ang naitala na dinala sa Navotas City Hospital (NCH) dahil sa mga pinsalang may kinalaman sa paputok.
Ang mga sugatan biktima ay kinabibilangan ng dalawang batang babae na dad 8 at 9, isang 17-anyos na lalaki, anim na babae at apat na lalaking, pawang mga nasa hustong gulang.
Isinugod ang mga biktima sa NCH at matapos magamot ang tinamong mga sugat ay agad din naman silang pinauwi sa kani-kanilang bahay.
Nabatid na may paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas na bawal ang paggamit ng anumang paputok o fireworks alinsunod sa Executive Order No. TMT-060. (JUVY LUCERO)
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?