May 15, 2024

Gawad Kalasag Seal of Excellence, nakamit ng Navotas

NAKATANGGAP ng Gawad Kalasag Seal of Excellence para sa Local Disaster Risk Reduction and Management ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Ani Mayor John Rey Tiangco, nakamit ang karangalang ito dahil sa pakikipagtulungan ng bawat Navoteño at sa sama-samang pagkilos, mananatiling handa at ligtas sa anumang sakuna. (JUVY LUCERO)