December 23, 2024

MGA KATUTUBONG TRIBU, ATING PANGALAGAAN AT PROTEKTAHAN

NOONG dekada setenta, sa kasagsagan ng pagpapalaganap ng ideyolohiyang komunista at ibat ibang panig ng ating lipunan ay napasok na rin ng mga teroristang NPA ang tinatawag na mga ancestral domains ng ilang mga indigenous tribes at kabilang dito ang tribu ng mga Lumad sa parteng Mindanao.  Dahil sa ayaw noon ng pinuno ng tribo na magpasakop sa NPA sya ay pinatay kasama ang ilang may matataas na tungkulin sa kanilang hanay. Ngunit ano nga ba ang napapala nitong mga NPA sa mga indigenous people at sa papanong paraan sinasamantala nitong mga tinaguriang terorista ang kalagayan at pamumuhay ng ating mga katutubo.

Bukod sa layunin ng CPP-NPA na mapalawig at mapadami ang tumatalima sa kanila, isang opurtunidad ang nakita ng mga ito sa indigenous people at ito ay ang mangalap ng pondo mula sa ibat ibang pribadong sektor mula sa ibang bansa gamit ang nakakaawang paghahayag sa kalagayan ng mga Lumad. Hinahanapan nila ng isyu ang mga nasabing komunidad upang makagawa sila ng tinatawag nilang “project proposals” na kanilang ipapadala sa mga funding agencies kabilang dito ang Europa at Amerika. Halimbawa ng isyu na kanilang ipinapalawak ay patungkol sa kawalan ng paaralan para sa mga katutubo, kakulangan ng pagkain at marami pang iba. Ilan sa kanilang mga nilalahad ay totoo ngunit marami sa mga ito ay katha lamang kagaya ng kanilang sinasabi na ang mga tao ay hirap na hirap na, gutom na gutom na at kawawa na sila at kung anu ano pang isyung lipunan na kaya nilang gawan ng project proposals para makakuha sila ng pondo galing sa ibang bansa.

Sa ganitong klase ng kalakaran, ginagamit ng NPA bilang front organization ang Rural Missionaries of the Philippines o RMP na itinatag noong 1969. Sa pamamagitan nito, nakahuka sila ng tatlumput dalawang milyong euro mula sa European Union at bukod pa dito ay nakakuha rin sila ng higit pang mga donasyon na aabot ng daan-daang milyon. Subalit kakarampot at halos wala namang natatanggap ang mga katutubo mula dito. Ayon sa tinatawag nilang “hatian”, sa lahat ng ponding nakakalap ng mga ito ay otomatikong tatlumpung porsyento ang didiretso sa NPA upang pondohan ang pagbili nila ng mga baril, bala at bomba para sa pagpapalakas ng kanilang armadong pakikibaka. Gayundin naman ay pinanatili nila ang pagkotrol sa komunidad ng mga Lumad at pinilit nila ang mga ito na maging kasapi ng armadong grupo. At ang sinumang hindi tumalima dito ay kanilang pinapatay.

Ganito ba ang pamamaraan ng isang organisasyon na naghahangad na magkaroon ng sariling pamahalaan? Ganito ba ang klase ng pamahalaan na nagnanais palitan ang kung anong umiiral sa ating bansa ngayon? Tama na. Kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap ang ganitong pamamaraan. Kailanman ay walang maidudulot na pag-unlad ang anumang uri ng dahas at panlilinlang. Sa halip, kinakailangan nating pangalagaan ang ating mga katutubong Lumad at iba pang katutubo na nasa iba’t-ibang panig ng ating bansa sapagkat sila ang nagpepreserba ng ating makulay na kultura. (HUKBONG HIMPAPAWID NG PILIPINAS)