SHOOT sa kulungan ang tatlong teenager na sangkot umano sa illegal na droga matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Langaray St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan.
Agad inaresto ng mga operatiba ang kanilang target na si Harold Montañez alyas “Jomar”, 18, matapos bintahan ng P500 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover police poseur-buyer, kasama si Hazel Marie Ricaport alyas “Ethel”, 18, kapwa ng Vitas Tondo, Manila na nakuhanan din ng hinihinalang shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,800 at makrked money.
Dakong alas-10:40 naman ng gabi nang madakma din ng mga operatiba ng SDEU si Jonas Estacio, 18, sa isinawang validation at monitoring sa R. Domingo St., Brgy. Tangos North matapos makuhanan ng tatlong heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P600 ang halaga.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangrous Drug Act of 2002.
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE