MATAPOS matengga ng higit dalawang taon,bumalik sa aktuwal na kumpetisyon sa tubigan ang mga pangunahing paddlers sa bansa.
Isang kumpetisyong kinasabikan ng lahat ng mananagwang atleta sa canoe kayak at dragonboat sa Pilipinas.
Tiniyak ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation na mairaos ang National Open Championship upang muling pagtibayin ang komposisyon ng pambansang koponan at naging realidad ito sa suporta ng Philippine Olympuc Committee,Philippine Sports Commission,ni PCKDF president Teresita Uy , Bahai Isabel sa bayan ng Talisay at Pamunuang Bayan sa pamumuno ni Talisay Mayor Nestor Natanauan ayon kay PCKDF secgen at national coach Len Escollante.
Sumabak ang mgs sikat na club teams ng Phikippine Titans,Rampage,VisMin,Manila Dragons,Sagwan Tanauan,Alab Sagwan,Cebu at Leyte club team at ang binubuo ng national pool na Taytay Boys,Taytay Juniors,Taytay Girls at Taytay Mixed.
Kinakitaan man ng medyo kalawang sa performance dahil sa kakulangan ng aksiyon noong pandemya ay naroon pa rin sng kanilang lakas at tibay ng dibdib sa pakikipaglaban. “As expected,our national team ,ruled all categories for their ticket in the coming SEAGames except one won by Philippine Titans. Napakagandang tunghayan ang bakbakan sa tubigan lalo pa’t lumaban nang husto ang mga club teams and it’s a healthy competition ,” pahayag ni coach Escollante na ibinida rin ang mga malalaking local at international competitions na ikakasa sa taong 2023.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!