November 23, 2024

Babaeng tulak kulong sa P170K shabu sa Caloocan

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng aabot P170,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Pinuri ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio PeƱones ang Caloocan police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Ruben Lacuesta sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang drg suspect na kinilala bilang si Ana Belen alyas “Vangie”, 30 ng Brgy. 120 ng lungsod.

Ayon kay Col. Lacuesta, dakong alas-6 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Julian Felipe St. Brgy. 8 matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ng suspek.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang suspek matapos bintahan ng P10,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug PriceP 170,000.00; buy bust money na isang P500 bill at 10 pirasong P1,000 boodle money at coin purse. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.