SHOOT sa kulungan ang isang mister matapos makuhanan ng baril sa bisa ng isang search warrant na ipinatupad ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresrong suspek bilang si Jayson Faustino, 45 ng Brgy. 175 ng lungsod.
Ayon kay Col. Lacuesta, nakatanggap ng impormasyoon ang mga tauhan ng Sub-Station 11 ng Caloocan police na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril si Faustino.
Kaagad nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng SS11 sa pangunguna ni P/Capt. Al Geronimo Catalan at ipinatupad ang isang search warrant na inisyu ni Vice Executive Judge Glenda K. Cabello-Martin ng Regional Trial Court (RTC) Branch 124, para sa paglabag sa Section 28 of R.A. 10591 (Comprehensive law on firearms and ammunition) sa bahay ng suspek sa Camarin Residence 1, Brgy. 175 dakong alas-11:40 ng gabi.
Nakumpiska ng mga pulis ang isang cal. 38 revolver na may limang bala na naging dahilan upang arestuhin ang suspek matapos walang maipakitang mga kaukulang dukomento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive law on firearms and ammunition).
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM