SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos arestuhin ng mga pulis nang mabistong may warrant of arrest makaraang kumuha ng local police clearance sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Kenneth Cubos Lozada, 22 ng M. Devera St., Brgy Sipac-Almacen, Navotas City na listed bilang most wanted sa lungsod.
Ayon kay Col. Ollaging, kumuha ng local police clearance si Lozada sa Navotas Police Station sa M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacen subalit, napag-alaman ng mga pulis mayroon itong warrant of arrest para sa kasong Robbery (Snatching).
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 3 ng Navotas police ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:15 ng hapon.
Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong September 27, 2021 ni Judge Romana M.M.P Lindayag ng Regioanl Trial Court (RTC) Branch 287 ng Navotas City para sa kasong Robbery (Snatching).
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE