November 20, 2024

BOC NAGSAMPA NG KASO VS 33 AGRI SMUGGLERS

Nanatiling matatag ang Bureau of Customs (BOC) sa laban nito upang wakasan ang smuggling ng agricultural products.

Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 33 ang isinampang kaso ng Action Team Against Smugglers (BATAS) ng Bureau sa Department of Justice laban sa 33 importers at 11 customs brokers dahil sa paglabag sa batas sa importation ng agricultural products.

Sa 33 kaso, 22 ang sinampahan ng paglabag sa Republic Act. No. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling of 2016.

Sa bilang na ito, siyam na kaso ang isinampa sa siyam na importers at limang custom brokers sa ilalim ng administrasyon ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz dahil sa pinalakas na border protection measures ng BOC.

“The subject of the cases filed by the Bureau has a total dutiable value of P251.61 million, with duties, taxes, and fees amounting to P107.19 million,” ayon sa BOC.