November 19, 2024

WOMEN WRESTLERS BAKBAKAN NA SA PSC W- MARTIAL ARTS FEST SA RMSC

SA unang pagkakataon mula nang lumuwag ang health protocol sa pandemya ay magbabalik aksiyon ang larangan ng wrestling sa aktwal na kumpetisyong lokal na bubuno simula ngayon sa WAP Gym na nasa Rizal Memorial Sports Complex sa Adriatico, Malate sa Maynila.

Pero ang unang masasaksihan sa paligsahan sa pagbuno ay mga kababaihang grapplers sa pag- arangkada ng  PSC Women Martial Arts Festival kung saan ay isa ang sport discipline na wresting sa bumabanderang event sa pagbubukas ng unang malaking proyekto ng Philippine Sports Commission sa timon ni Commissioner Bong Coo.

Ayon kay Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar, lubos niyang ikinagagalak ang pagbabalik ng mga sports competition sa Rizal Memorial Sports Complex( RMSC) sa Maynila at Philsports sa Pasig City na matagal nang tinengga ng pandemya bunga ng Covid19.

“Our lady athletes are raring to go in action afters years of non – competition and training at the RMSC. Mapalad sila dahil sila ang unang sasalang sa kumpetisyon keysa male division kaya heto na ang ating lady wrestlers… bakbakan na!’ wika ni Aguilar na nagpahatid ng taos na  pasasalamat sa proyektong ikinasa ng PSC.

Ang women wrestling ay mina ng ginto para sa Pilipinas sa mga nakaraang international events tulad ng Southeast Asian Games at AIMAG (Asian International Martial Arts Games).

Inaasahan ang pagdalo sa opening ceremony sa RMSC ngayong 9:00 ng umaga ni  PSC Chairman Noli Eala.

Bukod sa wrestling, ang iba pang events na paglalabanan ng mga pambatong women martial athletes ng bansa ay ang mga sumusunod: pencak silat,sambo, taekwondo, muay thai, kickboxing, karate, jiu jitsu, kurash, judo at arnis.