Walang motibo si dating Pangulong Rodrigo Duterte para ipapatay si broadcast journalist Percival “Percy Lapid” Mabasa.
Ayon sa kaalyado ni Duterte na si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, walang dahilan para magkaroon ng motibo ang dating pangulo para ipapatay si Lapid lalo’t isa na lamang itong private citizen.
Sinabi ng pamilya ng pinaslang na broadcaster na nais nilang tiyakin na wala ng “personalidad” na mas mataas kay dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag, na itinuturong isa sa mga mastermind sa pagpatay kina Lapid at Cristito Palaña, isang inmate sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP), na nasa likod ng pagpatay.
“Pero sa kanyang palagay, sinabi ng dating Philippine National Police (PNP) chief, walang motibo ang dating pangulo para ipapatay si Lapid kahit na isa ito sa target ng maanghang at maaalab na komentaryo ng beteranong mamamahayag.
“Bakit pa niya papatayin? Nag-retire ka na, hindi ka na presidente, bakit hindi mo pinatay nung ikaw ay presidente pa,” Dela Rosa.
“Ngayon pa? Na wala ka na sa poder? Saka ka pa nag ka interes sa tao,” tanong niya.
“So the motive is malayo,” punto niya. “Pabayaan natin ang nag-iimbestiga. Mahirap kasi marami nagmamarunong, marami nagkukunwari na may alam, gusto isaksak sa imbestigasyon. Hanggang daldal lang naman. Mag conduct kayo ng imbestigasyon kung gusto niyo, pero respetuhin nyo ang PNP at NBI investigation,” dagdag ng senador.
Sinabi pa ni Dela Rosa na hindi dapat diktahan ang PNP kung paano nila gagawin ang kanilang sariling imbestigasyon.
Pero maaari pa ring ituloy ng PNP ang kanilang imbestigasyon kung naniniwala silang may iba pang personalidad na mas mataas kay Bantag na posibleng sangkot sa double murder case, aniya.
But the PNP can still pursue their investigation if they believe there are other personalities beyond Bantag who may be involved in the double murder case, saad niya.
“In fairness naman, if that is the outcome of the (PNP) investigation, we have to respect it,” saad niya.
“Nagulat ako talaga. Paanong hindi ka magulat kung ganun ang findings ng PNP, nakakagulat talaga. Nagulat ako na sya ang itinalaga na director ng BuCor, di ko siya (Bantag) kilala… wala kaming personal na relationship or whatever,” dagdag ng mambabatas.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI