November 24, 2024

FIRST PH MARTIAL ARTS SIKARAN FESTIVAL SISIKAD SA TANAY SA NOB. 13

NAKATAKDANG sumikad ang tanyag na  uri ng prestihiyosong orihinal na  larangan ng martial arts sa Pilipinas sa pinag- ugatan nito sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal.

Sa pagkakapit-bisig ng  Global Sikaran Federation, Traditional Sport, Raven Sikaran Martial Arts, EMB.

Pamahalaang Bayan ng Tanay Smile and Shine at Bangon Tanay Hane!,ay aarangkada ang First Philippine Martial Arts Sikaran Festival Hane!, na sisipa sa Nobyembre 13, 2022 sa Tanay Park Grounds.

Ang founder/ president ng GSF na si GrandMaster Hari Osias Catolos Banaag ang siyang punong- timon sa kaganapang pang- martial arts na buwenamanong ikakasa sa bansa kaagapay sina GSF VP Master Sikaran Emman uel Banaag  at secretary-general Master Crisanto Cuevas via virtual sa Estados Unidos.

“Asahan ng ating kababayan  sa Tanay ang isang magarbo, makulay at maalab na pagdaraos ng isang martial arts festival dito sa Tanay, Rizal- ang bayang kinagisnan ng ating sport na Sikaran.

“Napakataas ng entusiyasmo dto sa Rizal ng Sikaran na masasaksihan para sa mga kabataang babae at lalaki, adult martial artists at kids kaya tiyak na magiging blockbuster ang lalo pang pagyakap ng balana sa larangan ng Sikaran,” pahayag ng event in- charge na si Master Manuel Banaag na katuwang si Master Leovigildo Marcelino.” Welcome din ang mga taga-ibang bayan na ka-sikaran na lumahok sa ating festival.”

Tiniyak naman ni GM Hari Osias ang patuloy at walang makapipigil pa ng pagpaimbulog at paglawig ng SIkaran sa Pilipinas na pangarap niyang maging ganap na national sports association (NSA) sa payong ng Philippine Olympic Committee (POC) at rekognisyon ng Philippine Sports Commission (PSC)sa malaong hinaharap.