IBINIDA ni OLYMPIAN at dating National mentor Pinky Brosas na ilalarga ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) ang mas malalaking torneo na may malawakang partisipasyon ng mga batang swimmers sa buong bansa.
Sinabi ni Brosas na lahat ng cluster heads sa 15 regional group ng COPA ay masinsin na nakikipagtambalan sa kani-kanilang local government units (LGUs) at Department of Education (DepEd) para magsagawa hindi lamang ng mga kompetisyon bagkus educational programs para sa mga atleta, coach at guro.
“Ang pagsasama ng mga provincial team at mga kapus-palad na estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa ating torneo ay isang patunay ng seryosong kampanya ng COPA na buksan ang swimming sa isang mas malawak na komunidad. Lubos kaming naniniwala na ang swimming o anumang iba pang sports ay hindi eksklusibo sa ilang grupo o komunidad lamang. And right now, inclusivity is happening in COPA,” sambit ni Brosas patungkol sa mahigit 100 swimmers mula sa public schools sa Manila at koponan mula sa Leyte, Cagayan Valley, Cebu, Samar at Misamis Oriental na lumahok sa COPA’s Reunion Swim Challenge leg 3 na nagtapos kahapon sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Center.
“Swimmers come and go, but coaches and trainors, andyan lang ang mga yan kaya kailangan natin silang ma-educate sa tamang pamamaraan. Kapag tama ang nasimulan, walang duda na tama lahat ang approach sa mga batang atleta,” ayon kay Brosas, bahagi ng Philippine Team na sumabak sa Munich (1972) at Montreal (1976) Olympics.
Nakiisa si Brosas sa co-founder at tournament director ng COPA na si Chito Rivera at technical head Richard Luna sa paggawad ng mga medalya sa lahat ng mga nanalo sa pangunguna nina Nicola Queen Diamante at Paulene Beatrice Obebe na kapwa nasungkit ang kanilang ikatlong gintong medalya sa event na inorganisa ng Samahang Manlalangoy ng Pilipinas (SMP), Philippine Sports Commission (PSC), Speedo at MILO.
Nakopo ni Diamante, 11, ang kanyang ikatlong gintong medalya sa pagwawagi sa girls 11-yrs 50-m backstroke sa tyempong 34.41 segundo, habang si Obebe ay nanaig sa 12-yrs class sa oras na 36.82 segundo para magsalo sa parangal na ‘most prolific swimmer’ award.
Nitong Sabado, kumubra si Diamante, ang pagmamalaki ng RSS Dolphins Swim Club, sa girls class A 50-m butterfly (34.72) at 50-m freestyle (31.69), habang si Obebe ay nangingibabaw sa kanyang 12-yrs class na nanalo sa 50-m freestyle (29.97). ) at 50-m butterfly (31.22).
‘May laban pa po ako sa dalawang event ko sa afternoon session, pero kung hindi po ako manalo, okey lang po. Happy na po ako pati si coach Anthony Reyes masayang masaya po,” sambit said Diamante, humakot ng kabuuang 11 gintong medalya mula sa nakalipas na dalawang torneo ng COPA.
Si Anya dela Cruz, isang 9 na taong gulang na protegee ng ASSC swim Club, ay nakakolekta ng dalawang gintong medalya sa kanyang dibisyon matapos magwagi sa 50-m back (43.03) at 100-m freestyle (1:21.10).
Ang iba pang nagwagi ay sina Chesny Nagara in girls 8-under Class A 100-m free (1:32.50); Cheyanne Cruz (class B, 1:39.75); Agoss Grey (class C, 2:33.35); Girls 9 100-m free, Bianca Sarmiento (B, 1: 33.22); Calie Atienza (C, 1:43.80); Boys 10-yrs 100-m free, Kai Mangubat (B, 1:18.60); Rodmar Paredes (C, 1:38.30); Girls 11 50-m breast, Cathlene Hergamia (A, 41.60); Miel Legaspi (B, 45.30); Mayumi Fenol (C, 52.22); Sa girls 12-yrs 50-m breast, Sinagtala Cuevas ( A, 41.50); Naomi Sy (B, 44.80); Boys 14 yrs 50-m breast, Jamiel Mundir (A, 34.96); Kirby Rocafort (B, 36.01); Tristan barrogo (C, 41.78); Boys 15yrs 50-breast, Sean Enero (A, 32.09); Luigi Crisostomo (B, 34.59); Francino Corpuz (C, 37.92); Boys 10yrs 50-m breast, Anod Jose Padre (A, 43.46); Draco Lopez (B, 49.40); Rave Decena (C, 1:04.66); Girls 15yrs 50-m back , Jan Sarmiento (A, 32.84); Hannah Salazar (B, 35.50), at Rhevie Carmona (C, 39.69).
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON