November 24, 2024

2 INDIAN NA MAY PEKENG VISA, 1 TAIWANESE DRUG FUGITIVE NAHARANG NG BI

Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Clark International Airport (CIA) ang pagkakaaresto sa isang Taiwanese na wanted sa kanilang bansa dahil sa drug-related crimes at dalawang Indian national na nahuling gumamit ng pekeng immigration stamps.

Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunto Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 at dalawang Indian national na sina Amritpal, 30 at Pritpal Singh, 24.

Nabatid na tinangka umano ng mga ito na sumakay sa isang Tiger Air flight patungo sa Singapore noong Oktubre 6.

Ayon kay Manahan, unang ipinakita ni Lai ang kanyang Turkish passport na may pangalang Lau Bulut kasama ang kanyang Special Investor’s Resident Visa (SIRV) card.

Matapos maberepika ang kanyang travel history at mga dokumento, napag-alaman na si Lai ay subject ng summary deportation order na inisyu noong Abril 2021 dahil sa paglabag sa terms and conditions ng kanyang pananatili sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940.

Nadiskubre rin na si Lai ay wanted sa Taiwan Police Attache dahil sa paglabag sa Anti-Illegal Drug Act. “He tried to evade prosecution for his crime by using his Turkish passport, but his plan was foiled by our officers who were very thorough in checking his records,” saad ni Manahan.

Samantala, hinarang naman sina Amritpal at Singh dahil sa kanilang mga pasaporte na may pekeng Philippine entry visas, visa extension sticker at arrival stamps.

Nagpahayag namang ng pagkadismaya si BI Commissioner Norman Tansigco sa kaugnay sa insidente.

 “These attempts to use visas and stamps to clear immigration inspection are futile. Our officers undergo rigorous training to detect dubious documents, ” wika niya.

Pinuri naman ni Tansingco ang kanyang mga opisyales sa pagkakahuli sa tatlo.

“These arrests are a testament to our officers’ vigilance in manning our ports,” ani Tansingco. “Rest assured that we will remain true to our mission to contribute to national security and development,” dagdag pa niya.

Ang mga nahuling dayuhan ay itinurnover sa legal division ng BI habang nakabinbin ang deportation proceedings.