December 21, 2024

RPOC Meeting naging matagumpay – NCRPO

Inihayag ni NCRPO Acting Regional District Director PBGen Jonnel Estomo na naging matagumpay ang naging resulta ng isinagawang 3rd Quarter Regional Peace and Order Council o RPOC na ginanap  sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Estomo dinaluhan ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng DILG NCR,JTF-NCR, AFP; Metro Manila Mayors, DDB, DOTr, DOJ-NPS, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, BFP, NAPOLCOM, BJMP, PCG-CGD- NCR-CL, LTFRB, LTO, NBI DOH, DSWD, CHED, TESDA, DENR, DPWH, at DTI. 

Layon ng naturang  meeting ay upang tugunan ang security concerns ng mga  rehiyon, problema sa  illegal drugs, at may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon gayundin ang programa ng  NCRPO na naipatutupad at ng makikinabang naman ay ang mga  residente ng  Metro Manila.

Paliwanag pa ng heneral na ang  RPOC ay malaking papel na  ginagampanan sa paglikha ng peace and order plans and programs sa NCR at pagpapalakas sa pakikipag-ugnayan  sa pagitan ng Komunidad  stakeholders, LGUs, NGOs at iba pang  government agencies sa  Metro Manila.

Ibinida rin ni PBGen.Estomo ang pagbaba ng  crime rate sa  National Capital Region para sa  3rd quarter ng  2022.  

Napag-usapan din sa meeting, na sinusuportahan ng RPOC-NCR ang resolutions na iprenisenta kung sana ay hinihikayat ang NCR LGUs na iadopt at  institutionalize ang pagpapatupad  ng KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan adbokasiya, programa, actibidades at  proyekto kung saan ang naturang proyekto ay community-based program na nakadesenyo upang  ipalaganap ang kapayapaan at kaayusan at seguridad ng publiko sa kanilang Komunidad sa NCR.

Inaprubahan din ng Konseho ang  pagpasa ng isang  resolutions na nagrerekumenda na si  PBGen Estomo ay acting bilang  interim chairperson sa  3rd Quarter Council Meeting at ang NCRPO ang magiging naman host nito.

Ilan din sa mga tinalakay sa pagpupulong ay  direktang tutugunan ng District Directors ng 5 Police Districts at Regional Staff ng  NCRPO ay may kinalaman sa Barangay Drug Clearing, anti-illegal drug strategies, police visibility at pagtatalaga sa mga  Chiefs of Police.