Arestado ang isang babae na miyembro ng “Jamal Criminal Gang” matapos makuhanan ng shabu ng mga pulis sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Girlie Princess Roco alyas “Princess Gerlie Ruko”, 41 at residente sa lungsod.
Ayon kay Lacuesta, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section ng Caloocan police ng impormasyon mula sa isang Barangay Informant Network (BIN) hinggil sa isang babae na nakitang nagbebenta umano ng illegal na droga malapit sa basketball court ng Bangayngay St., Brgy 12.
Kaagad pinuntahan ng mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni P/Major John David Chua para magsagawa ng validation sa naturang lugar hanggang sa maaktuhan nila ang suspek na may hawak na isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nilapatan ng mga operatiba ang suspek at inaresto kung saan nakuha pa sa kanya ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Gatchalian: Mga out-of-school children at youth ibalik sa mga paaralan
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS