Nag-courtesy call si Counsellor Yang Guoliang, ang Economic and Commercial Counsellor ng Embassy of China sa Pilipinas, kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz upang talakayin ang pagpapalakas sa customs practices ng parehong bansa.
“Commissioner Ruiz shared his appreciation for the counselor’s support as the plans would help the speedy facilitation of the sevent-point priority agenda of the BOC during his incumbency,” ayon sa BOC.
Sinabi ni Ruiz, na nanunungkulan bilang Customs chief noong Hulyo 25, na tututukan niya ang pitong pangunahing layunin upang mapabuti ang operasyon ng BOC. Kabilang dito ang zero tolerance para sa mga smuggler ng droga, pagsugpo sa smuggling ng baril, pag-aalis ng agricultural smuggling, pagtaas ng revenue generation, full digitalization ng mga proseso ng Customs, pagtaas ng moral ng empleyado, at pagpuksa sa korapsyon.
Sa kanilang pagpupulong, nangako ang dalawa na magtutulungan upang matiyak ang isang “solid customs-business partnership” sa pamamagitan ng Authorized Economic Operator (AEO) Program.
Ayon sa BOC, ang AEO Program ay isa sa pillars ng World Customs Organization (WCO) SAFE Framework of Standards. Ito ay isang party na may nalalaman sa international movements of goods, o sa ngalan ng, isang national Customs administration bilang pagsunod sa WCO o equivalent supply chain security standards.
Ayon sa BOC, ang pagsisikap ng bureau na makipagtulungan sa kanilang Chinese counterpart ay ginawa bilang pagsunod sa patnubay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang palakasin ang ugnayan sa international partners nito sa hangarin ang kanilang pangarap na “maging isang customs administration na kabilang sa mga pinakamahusay sa mundo.”
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY