November 24, 2024

LTO PUSPUSAN SA PAGGAWA NG PLAKA (Para mapunan ang kanilang backlog)

PERSONAL na inispeksyon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Teofilo Guadiz ang progreso ng paggawa ng plaka ng sasakyan sa Plate Making Facility sa LTO Head Office sa Quezon City ngayong araw.

Ayon sa LTO, kasalukuyang nagpapatupad sila ng extended hours shifting ng mga tauhan sa pasilidad para magawa ang mga backlogs ng mga plaka.

Noong Oktubre 2022, 337,607 pares ng plaka mula sa 2.5 milyong backlog ang natapos na.

Target ng LTO na maabot ang 400,000 pares ng mga plaka bago matapos ang taon.