AABOT sa 132 na mga bagong nagsipagtapos sa technical and vocational mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute kung saan malugod silang tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas.
Sa bilang na ito, 13 ang nakakumpleto sa Automotive Servicing NC I; 11, sa Electrical Installation and Maintenance NC II; 11, sa Hairdressing NC II; 19, sa Dressmaking NC II; at 25, sa Basic Korean Language and Culture.
Bukod dito, 39 trainees ang nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II at 14 ang nagka-graduated mula sa Food and Beverage Services NC II.
Binati ni Mayor John Rey Tiangco ang mga nagsipagtapos sa kanilang training courses at hinikayat silang hindi lamang magpatuloy sa pag-aaral ng mga bagong kasanayan, kundi patindihin ang existing ones.
“Change is inevitable. We have to constantly improve our competencies to stay ahead of the game,” aniya.
“The broader our knowledge, the more opportunities open up for us to advance in our chosen careers. The courses we offer in our training centers can equip you with the skills to help you succeed in a competitive job market,” dagdag niya.
Ang NAVOTAAS Institute ay nag-aalok ng iba’t-ibang kursong teknikal at bokasyonal sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Mayroon itong apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño at non-Navoteño trainees. Ang mga residente ay maaaring mag-aral sa institute nang libre habang ang mga hindi residente ay maaaring magpatala at kumuha ng assessment exams nang may bayad, depende sa kursong kanilang kukunin.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY