HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang construction worker, habang 10 ang sugatan matapos gumuho ang bahagi ng scaffolding ng ginagawang housing project sa Quezon City ngayong Martes.
Ayon sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa itinatayong extension ng affordable housing project ng lokal na pamahalaan sa Santo Kristo, Barangay Balingasa, malapit sa Balintawak.
Agad isunugod ang mga nasugatan sa Quezon City General Hospital para lapatan ng lunas ang tinamo nitong mga sugat, kung saan lima sa kanila ay nakalabas na habang 5 ang patuloy na ginagamot sa kanilang minor injuries.
Labis namang ikinalungkot ng Quezon City Government ang nangyaring insidente.
Dahil dito ipinag-utos na ng city government ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng nasawi at mga nasugatan, bukod pa anila sa tulong na ibinigay ng private contractor ng proyekto
Nagkasa na rin ang City Architect and Infrastructure Committee ng inspeksyon sa naturang site at paligid nito.
Ayon lokal na pamahalaan, tigil muna ang konstruksiyon sa lugar habang patuloy na iniimbestigahan ang nangyari.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?