ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ang naarestong suspek bilang si Henson Francisco alyas “Iking”, 33, (pusher).
Batay sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC, RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PLT Ryan Joshua Sangalang at PDEA-RONCR ang buy bust operation laban kay Francisco matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activity nito.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng P52,500 ang isang undercover police na nagawang makipagtransaksyon sa kanya.
Nakumpiska sa suspek ang humigit kumulang na 100 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Value Priced (SDP) Php 680,000.00, pitaka at buy bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan