SHOOT sa selda ang isang pedicab driver matapos tangayin ang mamahaling cellphone ng isang store owner habang abala ang biktima sa pagtatakip ng kanyang mga paninda para hindi mabasa ng ulan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art. 308 (Theft) ang naarestong suspek na kinilala bilang si Abonete Estelito, 42, ng Riverside, Block 31, NBBS Dagat Dagatan.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8 ng gabi nang magtungo ang suspek sa tindahan ng biktima (hindi nakalagay sa report ang pangalan) sa Block 31 Lot 27, Phase 2 A2, NBBS Dagat Dagatan para bumili ng kanin.
Nang asikasuhin na nang biktima ang suspek ay bigla na lamang bumuhos ang ulan kaya tinakpan niya ang kanyang mga paninda para hindi mabasa at sa kanyang pagmamadali ay ipinatong niya ang kanyang cellphone sa store table sa harap ni Estelito.
Nang muling tignan ng biktima ang suspek, nakita niya ito na hinablot ang kanyang cellphone sa taas ng mesa bago mabilis na tumakbo na naging dahilan upang habulin niya subalit, hindi niya ito naabutan.
Kaagad nagtungo ang biktima sa barangay hall saka humingi ng tulong at sa isinagawang follow-up operation ng mga tanod ay naaresto ang suspek subalit, hindi na nabawi ang cellphone ng biktima na nasa P9,000 ang halaga.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY